Villasis, Pangasinan – Naaresto ang Top 7 Municipal Most Wanted Person ng Villasis, Pangasinan sa bisa ng Warrant of Arrest nito lamang Nobyembre 30, 2022.
Kinilala ni Police Major Glenn M Dulay, Chief of Police ng Villasis MPS, ang suspek na si alyas “Jovil”, 21, at residente ng Brgy. Caramutan, Villasis, Pangasinan.
Ayon pa kay PMaj Dulay, bandang 9:05 ng umaga naaresto ang suspek sa Brgy. Caramutan, Villasis, Pangasinan ng mga operatiba ng Villasis MPS, kasama ang Regional Intelligence Division PRO1, Provincial Intelligence Unit Pangasinan.
Ayon pa kay PMaj Dulay, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape under Art. 266-A of the RPC at walang kaukulang piyansa.
Ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng magandang ugnayan at samahan ng mga kapulisan at mamamayan para mapanatiling ligtas ang komunidad sa anumang krimen.
Source: Villasis, Municipal Police Station, Pangasinan
Panulat ni Pat Dennis P Carinal