Arestado ang Top 7 Municipal Most Wanted Person at kilalang drug suspek sa isinagawang operasyon ng Parang Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa Mangga Street Brgy. Poblacion 1, Parang, Maguindanao Del Norte nito lamang ika-27 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Sultan Salman Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, ang suspek na may Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang inirekomendang piyansa.
“Ang tagumpay na ito ay nagsisilbing patunay sa walang sawang pagsusumikap ng PRO BAR police force sa paglaban sa ilegal na droga, gayundin hindi kami natitinag at may determinasyon na lansagin ang anumang operasyon ng ilegal na droga,” pahayag ni Polie Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz