Arestado ang isang manggagawa na tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa Municipal Level para sa kasong panggagahasa sa Barangay Buenaflores, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nitong ika-4 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Percival Augustus P Placer, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Raz”, 33, may asawa, manggagawa at residente ng Barangay Buenaflores, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.
Ayon kay PBGen Placer, naaresto ang suspek sa isinagawang manhunt Charlie operation ng pinagsanib pwersa ng Senator Ninoy Aquino MPS, RID 12 Tracker Team Delta at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na ipinapatupad ang mga batas upang mahuli ang mga Wanted Person upang masiguro ang mapayapa, ligtas at maayos na komunidad para sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Emelou Pedroso