Arestado ng pulisya ang tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa rehiyon ng Davao sa kasong Qualified Rape noong ika-17 ng Disyembre, 2024.
Kinilala ni Police Major Lisandro G. Bernardo, Acting Station Commander ng Baguio Police Station, ang suspek na si alyas “Aeron”, 19 anyos at residente ng Purok Mangga, Barangay Wines, Baguio District, Davao City.
Kasong Qualified Rape ang kasong kinaharap ng suspek na walang piyansang inirekomenda.
Samantala, patuloy na nagsasagawa ng masusing hakbang ang Police Regional Office 11 upang maiwasan ang paglaganap ng kriminalidad sa rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino