Davao City – Arestado ang isang Most Wanted Person sa kasong 2 Counts of Rape at Lascivious Conduct sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP, nito lamang Hunyo 6, 2022.
Kinilala ni PMaj Marvin Hugos, Station Commander ng Toril Police Station, ang suspek na si Jaymark Rosel, 25, residente sa Farland Extension, Sirawan, Toril, Davao City, na tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa City Level.
Ayon kay PMaj Hugos, naaresto ang suspek sa nabanggit na lugar sa bisa ng Warrant of Arrest ng pinagsamang tauhan ng Toril PS kasama ang Regional Intelligence Unit 11, 1105th Mobile Company – Regional Mobile Force Battalion katuwang ang Davao City Intelligence Unit 11.
Dagdag pa ni PMaj Hugos, ang suspek ay nahaharap sa kasong 2 Counts ng Rape at Lascivious Conduct in relation to Sec. 5 ng Republic Act 7610.
Samantala, hindi naman titigil ang Police Regional Office 11 sa kanilang paghuli sa mga wanted person ng Rehiyon Onse upang magkaroon ng payapa at ligtas na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara