Timbog ng mga tauhan ng Lapu-Lapu City Police Office ang lalaking tinuturing na Top 7 Most Wanted Person ng lungsod matapos arestuhin kasunod ng paghahain ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder sa Soong, Brgy. Mactan, Lapu-Lapu City noong Nobyembre 23, 2023.
Sa pinagsanib na puwersa ng City Investigation and Detective Management Unit (CIDMU) at ng Police Station 2 LCPO sa pangangasiwa ni PCol Elmer Lim, City Director, nadakakip ang akusado na kinilalang si “Darwel”, 28, residente ng Brgy. Suba, Lapu-Lapu City.
Aabot sa Php200,000 ang rekomendadong piyansa para sa kaso ng akusado.
Patuloy naman ang paglulunsad ng operasyon ng kapulisan sa lungsod upang matunton at tuluyang madakip ang mga personalidad na may mga pagkakasala at pananagutan sa batas.