Puerto Galera, Oriental Mindoro – Timbog ang isang Top 7 Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng Puerto Galera MPS sa Barangay Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro noong Agosto 26, 2022.
Kinilala ni Police Captain Kim Badillo, Officer-In-Charge ng Puerto Galera MPS, ang suspek na si Jonas Monton Jomoc, 27, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Ayon kay PCpt Badillo, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng Puerto Galera MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts ng Rape at Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Puerto Galera MPS
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus