Davao Oriental – Arestado ang isang Top 7 High Value Target sa regional level sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA, nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Kinilala ni PLt Rochelle Hervas, Officer-In-Charge ng San Isidro Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Makmak”, 23, residente ng Purok Sto Niño, Barangay Batobato, San Isidro, Davao Oriental.
Ayon kay PLt Hervas, naaresto ang suspek sa Prk. San Antonio, Brgy. Batobato, San Isidro, Davao Oriental ng mga tauhan ng SIMPS at Provincial Drug Enforcement Unit -Provincial Intelligence Unit, Davao Oriental Police Provincial Office kasama ang PDEA Davao Oriental.
Ayon pa kay PLt Hervas, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 0.08 gramo na may street market value na Php8,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang nasabing operasyon ay bunga ng pagsisikap ng Police Regional Office 11 sa kanilang layunin na gawing drug-free ang rehiyon onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara