Davao City – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Insel Subdivision Prk 8-A, Communal, Davao City, noong Setyembre 16, 2022.
Kinilala ni PMaj Bernie Suaga, Station Commander ng Buhangin Police Station, ang suspek na si alyas “Vin”, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 7 HVI sa regional level.
Ayon kay PMaj Suaga, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Special Drug Enforcement Unit ng Buhangin PS at Davao City Police Office kasama ang Regional Police Drug Enforcement Unit 11, at City Mobile Force Company katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency 11.
Dagdag pa ni PMaj Suaga, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 6.5 gramo na may street market value na Php104,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang nasabing operasyon na maglalapit sa kanilang layunin na gawing drug-free ang rehiyon onse at ito ay dahil sa tulong ng programa na MKK=K na magdadala ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara