Davao City – Arestado ang isang wanted person sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng tauhan ng Sasa PNP sa JP. Laurel Ave., Bajada, Davao City, noong Agosto 9, 2023.
Kinilala ni Police Major Jake Goles, Station Commander ng Sasa Police Station, ang suspek na si alyas “Raymundo”, 65, residente ng Panacan, Davao City na tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa City Level.
Ayon kay PMaj Goles, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Batas Pambansa BLG 22 o “The Anti-Bouncing Check Law” na inihain ng pinagsamang tauhan ng Sasa PS at Davao City Maritime Police Station katuwang ang 1105th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 11.
Nagpasalamat naman si PMaj Goles sa mga mamamayan dahil sa tulong at pagtitiwala na ibinibigay nito sa mga kapulisan na isang dahilan upang mahuli ang mga wanted person sa lugar.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara