Zamboanga City – Boluntaryong sumuko ang Top 6 Station Most Wanted Person sa Zamboanga City Police Station 6 sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City nito lamang Lunes, Enero 9, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang suspek na si alyas “Uncle Luxor”, 40, may asawa at residente ng Adelaida Road 1, Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 9:32 ng umaga nang magtungo ang suspek sa tanggapan ng Zamboanga City Police Station 6 at boluntaryong sumuko na may Warrant of Arrest sa kasong Act of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9