Arestado ng Bajada PNP ang Top 6 Station Most Wanted Person sa Pag-asa, Sta. Lucia, Barangay Centro, Agdao, Davao City nito lamang ika-18 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Marvin S Hugos, Acting Station Commander ng Bajada Police Station, ang suspek na si alyas “Celso”, 42 anyos at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Child Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may piyansa na Php80,000.
Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Aligre L Martinez alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino