Arestado sa joint operation ng Medina Municipal Police Station kasama ang Misamis Oriental Police Provincial Intelligence Unit (PIU), Misamis Oriental Provincial Intelligence Team (PIT), at Dimataling Municipal Police Station ang Top 6 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Multiple Counts of Rape at Sexual Abuse sa Zamboanga del Sur nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jaysen C De Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “Aj”, 28 anyos, at residente ng nasabing lugar.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Rape, Sexual Abuse, at 3 Counts of Rape na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang Misamis Oriental PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga wanted persons na nagtatago sa batas, upang mapanatili ang seguridad ng mamamayan sa nasasakupang komunidad.