Dipolog City – Arestado ang Top 6 Regional Most Wanted Person sa isinagawang magkasanib na operasyon ng mga awtoridad nito lamang Abril 4, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Vedasto Dasmarinas, Acting Chief of Police ng Dipolog City Police Station, ang suspek na si alyad “Tata Ramirez” 43, may asawa at tubong Brgy. Poblacion, Sibulan, Negros Oriental.
Bandang 3:20 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Feeder Port, Brgy. Galas, Dipolog City sa pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Dipolog City Police Station, Maritime Police Station Zamboanga del Norte at Criminal Investigation and Detection Unit 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong New Anti-Carnapping Law na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9