Digos City – Arestado ang isang Top 6 Regional Most Wanted Person sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga awtoridad sa Luna Street Christian Village, Digos City, Davao Del Sur nito lamang Nobyembre 12, 2023.
Kinilala ni Police Major Ma. Teresita Gaspan, Station Commander ng Ma-a Police Station, ang suspek na si alyas “Arfel”, 36, residente ng Sta. Maria, Davao Occidental na tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa Regional Level.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng pinagsamang tauhan ng Ma-a Police Station at Digos City PNP sa kasong 2 counts ng Statutory Rape at walang piyansang inirekomenda.
Patuloy ang Police Regional Office 11 upang hulihin ang lahat ng wanted persons sa rehiyon sa pamumuno ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director ng Police Regional Office 11.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara