Panabo City – Timbog ang isang drug personality sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Panabo City nito lamang Lunes, Marso 14, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Verna Cabuhat, Station Commander ng Panabo City Police Station ang suspek na si Jay Carl Paquiao Lalegit alyas “Kol”, 32, residente ng People’s Village, Maa, Davao City.
Ayon kay Police Lieutenant Cabuhat, nahuli ang suspek sa Garcia St. Corner Magsaysay St. Purok Alaska, Brgy. New Pandan, Panabo City ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Group-Regional Police Drug Enforcement Unit 11 at Panabo City Police Station.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Cabuhat, ang suspek ay pang-anim na drug personality sa regional level at ang kanyang pagkakadakip ay malaking tagumpay ng nasabing istasyon.
Dagdag pa ni Police Lieutenant Cabuhat, nakuha sa suspek ang tatlong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu na may bigat na humigit kumulang 5.010 na gramo at may tinatayang halaga na Php34,068 at caliber 38 pistol na may limang live ammunition at marked money na ginamit ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec.5 at Sec.11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi naman titigil ang Police Regional Office 11 sa patuloy na pagpapaigting ng kampanya nito laban sa ilegal na droga sa Davao Region na siyang ipinapakita ng bawat himpilan nito.
###
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara
Tagumpay sa kahusayan ng mga pulis