Bukidnon – Arestado ang Top 6 Provincial Most Wanted Person na may patong-patong na kaso sa joint operation ng Bukidnon PNP sa Brgy. Tikalaan, Talakag, Bukidnon nito lamang ika-28 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Offie, ang suspek na si alyas “Liyab”, 31, at residente ng Brgy. Basak, Talakag, Bukidnon.
Naaresto ang suspek bandang 6:22 ng umaga sa joint operation ng mga operatiba ng Bukidnon – Provincial Intelligence Unit; 1st Bukidnon – Provincial Mobile Force Company; 1004th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10 at 1st Special Force SFBN sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa at Frustrated Murder (4 Counts) na may rekomendadong piyansang Php800,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng pagsisikap ng Bukidnon PNP na mapanatiling payapa at maayos ang probinsyang nasasakupan para sa patuloy na pag-unlad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10