Timbog ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Lipawan, Barira, Maguindanao del Norte nito lamang ika-18 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Cairodin M Tomawis, Officer-In-Charge ng Barira Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Rafa”, 27-anyos, at residente ng naturang lugar.
Bandang 11:00 ng gabi nang ikasa ang naturang operasyon sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Barira MPS; RDEU PRO BAR at Maguindanao del Norte PNP na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Maguindanao del Norte PNP na mas lalong paiigtingin ang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad upang makamit ang maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui