Arestado ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa Provincial Level sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Tugbok Police Station sa Purok 10, Barangay Sto. Niño, Tugbok, Davao City nito lamang ika-13 ng Disyembre, 2024.
Kinilala ni Police Major Vincent Ignacio B Follante, Acting Station Commander ng Tugbok Police Station, ang suspek na si alyas “Junie”, 36 anyos at residente ng nasabing lugar.
Mahaharap sa kasong 3 Counts of Lascivious Conduct na may piyansang Php200,000.
Samantala, ang Police Regional Office 11 ay patuloy na nagsasagawa ng operasyon bilang bahagi ng mas pinaigting na laban kontra kriminalidad sa layuning mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino