Top 6 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Statutory Rape, huli sa operasyon ng Baliangao PNP sa Barangay Pansol, Quezon City nito lamang ika-19 ng Mayo 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jovit”, 79 anyos na residente ng Baliangao, Misamis Occidental at tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa probinsya ng Misamis Occidental.
Sa isinagawang Manhunt Operation ng Baliangao PNP, katuwang ang Anonas Police Station 9, ay nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.
Ang Baliangao PNP at buong hanay ng Misamis Occidental PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga nagkasala sa batas at makamit ang hustisya ng pamilya ng biktima.