Surigao del Sur – Arestado ang Top 6 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang operation ng Bislig City PNP sa Purok-7, Brgy. Poblacion, Bislig City, Surigao del Sur nito lamang Martes, Oktubre 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Michael Lozada, Chief of Police ng Bislig City Police Station, ang nadakip na si Ernesto Alba Enate alyas “Sacro”, 63, residente ng Purok-1, Brgy. San Isidro, Bislig City.
Ayon kay PLtCol Lozada, bandang 10:15 ng umaga nang naaresto si Enate ng mga tauhan ng Bislig City Police Station sa pamamagitan ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may nirekomendang piyansa na Php200,000.
Patuloy ang pagsusumikap ng Bislig City PNP na ilagay sa likod ng rehas ang mga taong may pananagutan sa batas.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13