Misamis Occidental – Timbog ang Top 6 PNP-PDEA Target Listed – High Value Individual at kasama nito sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 5, Brgy. San Vicente Alto, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang Setyembre 7, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Dwight Monato, Acting Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Pelo”, 39, residente ng P-1, Barangay Matipas, Aloran, Misamis Occidental na tinaguriang Top 6 PNP Regional Priority Target at alyas “George”, 35, residente ng P-5 Barangay Maular, Aloran, Misamis Occidental.
Bandang 8:36 ng gabi nang mahuli ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit – Misamis Occidental katuwang ang Provincial Intelligence Unit – Misamis Occidental; Philippine Drug Enforcement Agency – Misamis Occidental; Oroquieta City Police Station; Regional Intelligence Unit 10 at 1002nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10.
Nakuha sa operasyon ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na dalawang gramo na may Standard Drug Price Php13,600; isang susi ng motorsiklo; isang Vivo Smart Phone; isang Mio 125 yamaha at dalawang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PCol Monato ang matagumpay na pagkakadakip sa dalawang suspek at makakaasa na ang Misamis Occidental PNP ay patuloy sa mandato na labanan ang ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad upang mapanatiling ligtas at payapa ang nasasakupang probinsya.