Arestado ang isang Top 6 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Sitio Centro, Barangay Litolet, Siayan, Zamboanga del Norte nito lamang ika-6 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Najib B Alip, Officer-In-Charge ng Siayan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Ito”, 65 anyos, lalaki at residente ng naturang lugar.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Murder in relation to Republic Act 7610 na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan, at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco