Pangasinan – Timbog ang isang Top 6 Municipal Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad sa Brgy. Balangobong, Lingayen, Pangasinan nito lamang Lunes, ika-13 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilmer L Pagaduan, Officer-In-Charge ng Lingayen Police Station, ang suspek na isang menor de edad at residente sa nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Pagaduan, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Lingayen Police Station at CIDG Alaminos City Pangasinan.
Tinitiyak ng Lingayen PNP na kanilang ipagpatuloy ang pagpapaigting ng bawat hakbang sa kampanya sa lahat ng uri ng kriminalidad para sa kaayusan at kapayapaan ng lungsod.