Davao Oriental – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng Lupon PNP sa Purok Cadena de Amor, Osmeña St., Brgy. Poblacion, Lupon, Davao Oriental, noong Nobyembre 29, 2022.
Kinilala ni Police Major Butch Kevin Rapiz, Station Commander ng Lupon Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jovannie”, 36, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa Municipal level.
Ayon kay PMaj Rapiz, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Rape na inihain ng pinagsamang tauhan ng Lupon MPS katuwang ang 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company.
Patuloy sa pagsasagawa ng operasyon ang Police Regional Office 11 upang hulihin ang mga wanted person sa lungsod sa tulong ng mga mamamayan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara