Arestado ng mga tauhan ng San Quintin Police Station ang isang construction worker na kabilang sa Top 6 Most Wanted Person sa lalawigan sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape.
Kinilala ni Police Captain Esteban Fernandez III, Chief of Police ng San Quintin PS, ang suspek na si Alyas “Andres”, 43 taong gulang, residente ng Barangay Carayacan, San Quintin, Pangasinan.
Si “Andres” ay dinakip bandang 4:48 ng hapon ng Marso 21, 2025, sa nasabing barangay sab isa ng Enhanced Warrant of Arrest (E-WOA) na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at hustisya sa lalawigan para sa mas ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni PMSg Robert Basan Abella Jr