Arestado ng mga operatiba ng Las PiƱas City Police Station ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa Station Level sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 nito lamang Miyerkules, Oktubre 16, 2024 sa Barangay Talon Uno, Las PiƱas City.
Kinilala ni Police Colonel Sandro Jay DC Tafalla, ang suspek na si alyas “Butchokoy”, 42 anyos.
Naganap ang operasyon sa pamamagitan ng joint operation ng Warrant and Subpoena Section at mga operatiba ng Station Intelligence Section ng Las PiƱas CPS bandang 4:45 ng hapon.
Ang Warrant of Arrest ay para sa paglabag sa Republic Act 7610 o āSpecial Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Actā, na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Patuloy lamang ang PNP sa paghanap sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas upang mapanagot sa kanilang mga pagkakasala at maibigay ang hustisya sa kanilang mga naging biktima.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos