Tiaong, Quezon – Naaresto ang Top 6 Most Wanted Person ng Tiaong, Quezon sa operation ng pulisya ng Quezon nito lamang Marso 9, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlon Cabataña, Hepe ng Tiaong Municipal Police Station, ang suspek na si Jhon Derick Ramos y Ubalde, nasa hustong gulang, residente ng Lusacan, Tiaong, Quezon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Cabataña, ganap na 11:44 ng umaga naaresto ang suspek sa Brgy. Poblacion 3, Tiaong, Quezon ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit.
Ayon pa kay Police Lieutenant Colonel Cabataña, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na pinirmahan ni Hon. Patricia Angeles Reyes Cataquiz-Fidel, Presiding Judge, Family Court, Branch 16, Sariaya, Quezon para sa paglabag sa Section 5 and 11 of Republic Act 9165 na may Criminal Case no. 2017-1769 at 2017-1770.
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa mga taong lumalabag sa batas at hinihikayat ang mga mamamayan na makikipagtulungan at sumusuporta sa programa ng gobyerno para sa tahimik at maayos na pamayanan.
###
PEMS Joe Peter B Cabugon, RPCADU 4A