Arestado ang isa sa mga Top 6 Most Wanted Person sa Regional Level ng Police Regional Office 8 sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa N. Lopez Footbridge, Barangay San Isidro, ParaƱaque City nito lamang Martes, Abril 8, 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Joseph R. Arguelles, Acting District Director ng Southern Police District (SPD), ang suspek na si alyas āMike/Kelā, 29 anyos.
Isinilbi sa suspek ang dalawang Warrant of Arrestāisa para sa kasong Attempted Murder at isa pa para sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng joint manhunt operation na pinangunahan ng mga tauhan ng San Dionisio Sub-Station katuwang ang District Intelligence Division, Station Intelligence Section, at RID NCRPO.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng dedikasyon ng Southern Police District sa pamumuno ni PBGen Arguelles sa paghuli sa mga kriminal at sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos