Muñoz, Nueva Ecija – Arestado ang Top 6 Most Wanted Person (City Level) sa kasong Robbery sa manhunt operation ng kapulisan ng Nueva Ecija nitong Lunes, Abril 4, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlon Cudal, Chief of Police ng Science City ng Muñoz Police Station, ang suspek na si Ceasar Frane y Del Rosario, 41, walang asawa, residente ng Brgy. Bakal 1, Talavera, Nueva Ecija.
Ayon kay PLtCol Cudal, bandang 9:45 ng umaga naaresto si Frane sa nasabing barangay ng pinagsanib na puwersa ng tauhan ng Muñoz Police Station at Nueva Ecija Regional Mobile Force Battalion.
Ayon pa kay PLtCol Cudal, naaresto si Frane sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery na may rekomendadong piyansa na Php72,000.
Ang tagumpay ng Pambansang Pulisya ay resulta ng patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Hazel Rose Bacarisa
Great job saludo tyo s mga kapulisan