Camp Sotero Cabahug, Cebu City – Naaresto ang Top 6 Most Wanted Person ng Cebu City sa isinagawang operasyon ng kapulisan nito lamang Huwebes, Marso 24, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Roderick Minong, Officer-in-Charge ng Cebu City Police Office ang suspek na si Larry Longakit Libre, 40, residente ng Purok Rosas Salvacion, Brgy. Looc, Lapu-Lapu City, Cebu.
Ayon kay PCol Minong, naaresto ang suspek bandang 2:00 ng hapon sa Brgy. Daang Lungsod, Purok 7, Toledo City ng mga operatiba ng Cebu City Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Unit 7, City Mobile Force Company-Lapu-Lapu City Police Office at Criminal Investigation and Detection Group 7 Mandaue City FU.
Ayon pa kay PCol Minong, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape by Sexual Assault in Relation to RA 7610 (2 counts) at may rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na operasyon na ito ay patunay na hindi titigil ang ating kapulisan sa pagtugis sa mga kriminal upang mapanagot sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio