Loreto, Agusan del Sur – Kalaboso ang Top 6 Most Wanted Person (Provincial Level) sa isinagawang Joint Operation sa Agusan del Sur nito lamang Linggo, Hunyo 19, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jovito Canlapan, Acting Provincial Director ng Agusan del Sur Police Provincial Office, ang nadakip na si Joseph Gardose, 49, magsasaka, residente ng Purok 1, Barangay Nueva Gracia, Loreto, Agusan del Sur.
Ayon kay PCol Canlapan, bandang 4:00 ng hapon ng naaresto si Gardose sa nabanggit na lugar ng pulisya ng mga operatiba ng 2nd Agusan del Sur Police Mobile Force Company katuwang ang Loreto Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Canlapan, naaresto si Gardose sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may nirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang PNP ay patuloy sa pag-aresto sa mga Wanted at Most Wanted Person upang mabigyang hustisya ang biktima at mapangalagaan ang komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13