Arestado ng mga tauhan ng ParaƱaque City Police Station ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa City Level sa kasong Carnapping nito lamang Biyernes, Setyembre 6, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Melvin R Montante, Chief of Police ng ParaƱaque CPS, ang suspek na si alyas “Romnick”, 30 taong gulang.
Inaresto ng mga tauhan mula sa Warrant and Subpoena Section, kasama ang mga unit mula sa 34SAC, 3SAB, PNP-SAF, at ParaƱaque Maritime Law Enforcement Team, ang suspek sa La Huerta, ParaƱaque City.
Isinilbi sa suspek ang Warrant of Arrest para sa carnapping sa ilalim ng Criminal Case No. 2024-0902 na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Patuloy lamang ang PNP sa pagsasagawa ng manhunt operation para sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas upang maibigay ang hustisya na karapat-dapat sa kanilang mga nabiktima.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos