Arestado ang isang Top 6 Most Wanted Person sa City Level sa kasong Attempted Murder sa isinagawang Joint Law Enforcement Operation ng CIDG Zamboanga del Norte PFU katuwang ang Dipolog CPS, 1st ZNPMFC at 901ST MC RMFB9 sa Guinsagaan, Barangay Diwan Dipolog Zamboanga del Norte nito lamang ika-13 ng Hunyo 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arjun B Luig, Officer-In-Charge ng CIDG RFU 9, ang naarestong suspek na si “Joel”, 38-anyos, residente ng Barangay Dabiak, Katipunan, Zamboanga del Norte.
Ang suspek ay arestado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, seguridad at magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco