Zamboanga City – Arestado ang Top 5 Station Most Wanted Person sa kasong Sexual Assault sa isinagawang Law Enforcement Operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Pebrero 1, 2023.
Kinilala ni Police Major Jamar Tagayan, Station Commander ng Zamboanga City Police Station 7, ang naaresto na si alyas “Romel”, 29, walang asawa at residente ng Little Tondo, Brgy. San Roque, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Tagayan, bandang 6:34 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Purok 3, Golf Village, Brgy. Upper Calarian, Zamboanga City ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 7 at Regional Intelligence Division 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assult na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU9