Timbog ng pulisya ang Top 5 Most Wanted Person sa kasong Murder at paglabag sa Republic Act 10591 sa Sitio Tarwan, Barangay Pandan, South Upi, Maguindanao Del Sur noong ika-21 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ariel T Huesca, Chief ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit BAR, ang suspek na si alyas “Luglog”, 78 anyos, may asawa, na residente ng naturang lugar.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa ikinasang Oplan Pagtugis/Oplan Panlalansag Omega ng mga operatiba ng CIDG RFU BAR katuwang ang Regional Special Operations RFU BAR, CIDG Maguindanao del Sur Provincial Field Unit, 4th Special Action Battalion, 41st at 44th Special Action Company, Regional Investigation and Detection Management Division, tracker team ng PRO BAR, Provincial Investigation Unit MDS, Bravo Company 57 Infantry Battalion at South Upi Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Sa isinagawang operasyon, narekober mula sa suspek ang isang yunit ng short firearm, isang homemade mini Uzi cal.9mm, dalawang piraso ng magazine assembly, cal.9mm, 15 piraso ng bala ng cal.9mm, at dalawang piraso ng hand held radio.
Ang naarestong suspek ay nakatala rin sa E-Warrant System bilang Top 5 MWP ng PRO BAR, at Top 3 MWP ng South Upi MPS.
Mahaharap sa kasong Murder at RA 10591 ang suspek kapag napatunayang nagkasala ito.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Ma. Señora Agbuya