Lanao del Norte – Sa kulungan ang bagsak ng Top 5 Regional Level Priority Target sa paghain ng Search Warrant na may kinalaman sa ilegal na droga ng mga awtoridad sa Purok Mahogany, Brgy. Maranding, Lala, Lanao del Norte nito lamang ika-11 ng Oktubre 2023.
Bandang 9:20 ng umaga nang ikasa ang operasyon sa pinagsanib pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Lanao del Norte PPO, Lala MPS, Provincial Intelligence Unit, 1st at 2nd PMFC ng Lanao del Norte PPO, 1005th Maneuver Company RMFB 10, at Regional Intelligence Unit 10 sa nabanggit na lugar.
Kinilala ni Police Colonel Sandy Vales, Provincial Director ng Lanao del Norte Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Bebe”, 27, residente ng Lala, Lanao del Norte.
Nakuha mula sa suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php6,120 na may bigat na .9 gramo at isang cigarette pack.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng naarestong suspek.
Hindi titigil ang Lanao del Norte PNP sa pagsugpo kontra ilegal na droga at iba pang kriminalidad upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa Hilagang Mindanao.