Timbog ang tinaguriang Top 5 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong panggagahasa sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Lipawan, Barira, Maguindanao del Norte nito lamang ika-6 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Captain Joel C Albao, Officer-In-Charge ng Barira Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Mark”, 37-anyos, residente ng Barangay Korosoyan, Barira, Maguindanao del Norte.
Bandang 10:20 ng umaga nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Barira MPS katuwang ang CIDG-PRO BAR at iba pang Maguindanao del Norte PNP, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Ang suspek ay may nakabinbin na Warrant of Arrest sa kasong Rape o Republic Act 8353 na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang Maguindanao del Norte PNP na mas lalong paiigtingin ang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad upang makamit ang maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica Laggui