Walang takas sa mga awtoridad ang tinaguriang Top 5 Provincial Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape at Acts of Lasciviousness sa Barangay Western Poblacion, Hilongos, Leyte nito lamang ika-31 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Major Ambrocio V Demain, Acting Chief of Police ng Hilongos Municipal Police Station ang akusado na si alyas “Edres”, 21 anyos at residente ng Barangay Lamak, Hilongos, Leyte.
Bandang 1:00 ng madaling araw ng isagawa ang Manhunt Charlie Operation ng pinagsamang mga tauhan ng Hilongos Municipal Police Station at Leyte Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang piyansa at kasong Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 na may piyansa na Php108,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagkasala at patuloy na nagkakasala sa batas upang matiyak ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa dahil sa Bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian