Valenzuela City – Arestado ang Top 5 Most Wanted Person sa kasong Attempted Homicide sa Manhunt Operation ng Valenzuela City Police Station nito lamang Sabado, Abril 23, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ramchrisen V Haveria Jr., Chief of Police ng Valenzuela City Police Station ang akusado na si Aries Estacio y Saldo, 45 at residente ng Brgy. Gen T De Leon, Lungsod ng Valenzuela.
Ayon kay PCol Haveria Jr., bandang 9:00 ng gabi nahuli si Estacio sa kahabaan ng Abalos Street sa kanyang lugar ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Sub-Station 2 ng Valenzuela CPS.
Naaresto si Estacio sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimenng Attempted Homicide (4 Counts) na inisyu ng Metropolitan Trial Court Branch 81, Valenzuela City noong Marso 21, 2022.
Tiniyak ni PCol Haveria Jr. na lalong paiigtingin ng kanyang hanay ang paghahanap sa mga wanted persons na nagtatago at may pananagutan sa batas.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos