Pasay City – Timbog ang Top 5 Most Wanted Person ng Batangas City na isang retired Philippine Navy sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group, Southern DFU, nito lamang Huwebes, March 17, 2022.
Kinilala ni Police Major Michael John Villannueva, Chief, CIDG, Southern DFU, ang suspek na si Juan Delos Reyes Y Bacarro alyas “Johny”, 48, balo, Ret. Philippine Navy at residente ng Calubcub, 2nd San Juan, Batangas City.
Ayon kay Police Major Villannueva, bandang alas-10:05 ng gabi naaresto si Delos Reyes sa Resorts World Manila Newport Blvd., Pasay City sa pinagsanib puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group – Southern National Capital Region (CIDG Southern NCR) at Batangas Provincial Intelligence Unit.
Ayon pa kay Police Major Villannueva, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A. 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” at R.A. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na may Criminal Case No. R-PSY-21-000869 at R-PSY-21-00871-CR na inisyu ni Hon. Christian P Castañeda, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 109, Pasay City.
Ani pa ni Police Major Villannueva, ang suspek ay lider ng isang kilalang grupo na “Jun-jun Criminal Group” na sangkot sa aktibidad na Gun Running and Gun for Hire sa Region IV-A CALABARZON at Southern part ng Metro Manila.
“Sisiguraduhin ng ating hanay na ang mga nagkasala sa batas ay mahaharap sa mga kasong inihain laban sa kanila”, saad pa ni Police Major Villannueva.
###