Cebu City (December 31, 2021) – Arestado ang isang Top 5 Most Wanted Person (City Level) sa isinagawang Police Operation ng Cebu City Mobile Force Company sa pangunguna ni PMaj Caesar V Acompañado, Assistant Force Commander noong Ika-31 ng December 2021.
Naaresto si Archie Rollon, 41 taong gulang, lalaki, walang asawa, sa kasong pagbebenta, pakikipagkalakalan, pangangasiwa, paghahatid, pamamahagi at transportasyon at pagmamay-ari ng kgamitan, instrumento, apparatus at Iba pang paraphernalia para sa paggamit ng mapanganib na gamot na nakasaad sa seksyon 5 at 12 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
Sinasabing natagpuan at nahuli sa A. Lopez St., Barangay Calamba, Cebu City, bandang alas dos ng tanghali sa nasabing araw sa isinagawang police operation sa bisa ng warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, 7th Judicial Region, Branch 58, sa pamumuno ni Presiding Judge Enriqueta Loquillano-Belarmino na may petsang Abril 14, 2014 na walang inirerekomendang piyansa.
Si Archie Rollon ay kasalukuyang nakapiit sa Cebu City Jail Male Dormitory para sa kanyang paglilitis.
##########