Arestado ang isang Top 5 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Rape sa isinagawang manhunt operation ng nga tauhan ng Polanco Municipal Police Station at Meycauayan City Police Station sa Cherry Street Sterking Industrial Park Barangay Butong, Libtong Meycauayan City, Bulacan nito lamang ika-22 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Major Clark G Bacolod, Hepe ng Polanco MPS, ang suspek na si alyas “Noli”, residente ng Meycauaya City, Bulacan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang PNP ay patuloy sa masigasig nitong operasyon sa pagtugis sa mga kriminal upang tiyak na mapanagot sa batas at mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima nito.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco