Davao De Oro – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP sa Purok 2, Brgy. Bankerohan Norte, Montevista, Davao De Oro, noong Pebrero 28, 2023.
Kinilala ni Police Captain Alvin Atienza, Acting Chief of Police ng Montevista Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “April”, 27, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 5 Municipal Most Wanted Person.
Ayon kay PCpt Atienza, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga operatiba ng Montevista Municipal Police Station sa kasong Sexual Assault na may piyansang inirekomenda na Php180,000.
Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director, ang pagkakadakip sa suspek at sinabing patuloy ang mga operasyon upang makamit ang kaayusan at kapayaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/RPCADU11