Arestado ang isang lalaking Top 5 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Mayo 26, 2025 sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Arnord”, 38 anyos, residente ng Gutierrez Compound, Tumaga, Porcente, Zamboanga City.
Naaresto ang suspek sa kasong two Counts (2) of Rape na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga operatiba ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, Zamboanga City Police Station 7, 904th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 9 at Zamboanga City Maritime Police Station.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at katahimikan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.
Panulat ni Pat Joyce Franco