Pangasinan – Arestado ang Top 5 Municipal Most Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng Bolinao Municipal Police Station nito lamang Linggo, ika-26 ng Pebrero 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Radino Belly, Hepe ng Bolinao MPS, ang suspek na si alyas Josephine, 23 at residente ng Brgy. Luciente 1, Bolinao, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Belly, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na walang inirekomendang piyansa.
Ayon pa kay PLtCol Belly, naaresto ang suspek bandang 10:11 ng gabi sa Brgy. Cabuyao, Bolinao, Pangasinan ng mga tauhan ng Bolinao Municipal Police Station.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Bolinao PNP ng kanilang mga tungkulin upang maibigay sa mga mamamayan ang hinahangad na ligtas at payapang komunidad.
Source: Bolinao Municipal Police Station
Panulat ni Pat Dennis Carinal