Negros Occidental – Nasakote ng Murcia PNP ang kinikilalang Top 5 Most Wanted Person na may kasong Homicide sa Barangay Sta. Rosa, Murcia, Negros Occidental nitong ika-6 ng Pebrero 2024.
Kinilala ni Police Major Marc Joeil A Reclamado, Hepe ng Murcia Municipal Police Station, ang nahuling suspek na si alyas “Arnel”, 31 anyos, at residente ng Murcia, Negros Occidental.
Ayon kay PMaj Reclamado, nadakip ang akusado sa pinagsanib pwersa ng Murcia Municipal Police Station kasama ang Regional Intelligence Unit 6, matapos ipatupad ang Warrant of Arrest sa kasong Homicide na may piyansang Php120,000.
Samantala, sa naging pahayag naman ni Police Brigadier General Sidney N Villaflor, Regional Director ng PRO6, kanyang binigyang papuri ang dedikasyon ng kapulisan at nagpaabot ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng komunidad sa pagbibigay ng impormasyon para sa mas mabilis na paghuli sa mga indibidwal na nagtatago sa batas.