San Jose, Romblon – Arestado ang Top 5 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Frustrated Murder sa operasyon ng San Jose PNP noong Abril 6, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Raynold Rosero, Provincial Director ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek na si Ard Sarito Pablo, 35, single, laborer, residente ng Barangay Lanas, San Jose, Romblon.
Ayon kay PCol Rosero, naaresto si Pablo bandang 7:30 ng umaga sa Barangay Combot, San Jose, Romblon ng mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Rosero, naaresto si Pablo sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Romblon Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Erwin P Calaus
Good job PNP husay