Tuao, Cagayan – Arestado ang Top 5 Most Wanted Person (Municipal Level) ng Tuao sa checkpoint operation ng Cagayan Valley PNP nitong Biyernes, Abril 8, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ang suspek na si Ariel Ventura y Joaquin, 41, may asawa, isang businessman, residente ng Barangay Bagumbayan, Tuao, Cagayan.
Ayon kay PCol Sabaldica, naaresto si Ventura bandang 7:10 ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Alabiao, Tuao, Cagayan ng pinagsanib na puwersa ng Tuao Municipal Police Station, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battalion 2.
Ayon pa kay PCol Sabaldica, naaresto si Ventrura sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 9 counts ng Estafa na inamyenda ng RA 10591 at 2 counts ng Estafa sa ilalim ng Article 315 Paragraph 2(D) ng Revised Penal Code na may inirekomendang piyansa na Php220,000.
Hinikayat ng Cagayan Valley PNP ang komunidad na patuloy na makikipagtulungan at makikiisa sa paghuli sa mga Wanted Person para sa maayos at tahinik na lalawigan.
Source: Tuao Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes