Arestado ang Top 5 Most Wanted Person na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 matapos maaresto ng kapulisan ng Cebu City sa Sitio Sangi, Barangay San Nicolas, Cebu City, noong ika-20 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Efren Dela Cruz Diaz Jr., Station Commander ng Police Station 11, Cebu City Police Office, ang suspek na si “Ungo”, 44 anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 2:20 ng hapon ng maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 9262, Section 5 (A) at Section 5 (I) na may rekomendadong piyansa na Php74,000 para sa dalawang kaso.
Ang kapulisan ng Cebu City ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra anumang uri ng kriminalidad upang magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR